Pinayuhan ni Senador Aquilino “Koko” Pimentel ang Commission on Elections o COMELEC na tantanan na ang pananakot na baka maipagpaliban o maging manual na lamang ang botohan sa eleksyon.
Ayon kay Pimentel, Chairman ng Senate Committee on Electoral Reforms, ang dapat gawin ngayon ng COMELEC ay ilantad sa publiko ang nilalaman ng kanilang motion for reconsideration sa Korte Suprema hinggil sa paggamit ng mga resibo sa eleksyon.
Pinuna ni Pimentel na ang tanging sinasabi ng COMELEC ay mahirap gawin ang utos ng Korte suprema subalit hindi nila sinasabi na hindi ito puwedeng gawin.
“Ang advice ko sa COMELEC, ipaliwanag na sa buong bansa ang nilalaman ng kanilang motion for reconsideration, ano yung mabibigat na dahilan kung bakit imposible silang maka-comply, huwag nilang sabihin na mahirap mag-comply ang buhay hindi naman talaga madali, mahirap ang buhay eh, pero pag imposibleng mag-comply syempre maiintindihan na natin yun, pero dapat ipakita ng COMELEC hindi lang sa Supreme Court, dapat ipakita nila sa buong bayan.” Pahayag ni Pimentel.
By Len Aguirre | Ratsada Balita