Bumuo na ang MMDA at Metro Manila Council ng Technical Working Group (TWG) na babanglakas ng polisiya hinggil sa social distancing measures o pag-iwas sa mga matataong lugar.
Ito ay para maibsan ang paglaganap ng COVID-19 sa Metro Manila.
Ayon kay MMDA Chairman Danilo Lim ang nasabing polisiya sa pamamagitan nang ilalabas na resolusyon ang magiging batayan ng 17 local government units (LGU) sa kalakhang Maynila para matiyak ang kaligtasan ng publiko sa gitna ng banta ng COVID-19.
Ang TWG aniya ay binubuo ng lahat ng mga miyembro ng MMC kabilang ang mga kinatawan mula sa mga kinauukulang ahensya ng gobyerno.
Sa nasabing pulong hinimok ni DILG Secretary Eduardo Ano ang Metro Manila Mayors na tiyaking hindi makakalapit sa mga shopping mall at matataong lugar ang mga estudyante upang makaiwas sa COVID-19 lalo na’t suspendido ang klase hanggang sa March 14.