Mas malaki pa ang talent fee ni Baby Letizia sa mga alok na commercials dito kaysa mga magulang niyang sina Marian Rivera at Dingdong Dantes.
Ito ang ibinunyag mismo ni Mommy Marian matapos ikuwento ang masayang bonding nila ni Baby Zia sa ginawang commercial.
Ayon kay Marian, naiiyak siya dahil magkasama silang mag-ina sa picture sa isang endorsement.
Sinabi ni Marian na nagbukas na sila ng bank account ni Letizia at lahat aniya ng kikitain nito sa mga endorsements ay doon nila ilalagay.
Wala sila aniyang gagalawin dito ni isang kusing at kapag 18 years old na ang anak ay saka nila ipagkakatiwala rito ang kanyang kinita sa paggawa ng commercials.
Sa ngayon, inihayag ng Primetime Kapuso Queen na tanging commercials lamang sila aprub na labasan ni Baby Zia at hindi pelikula dahil gusto nilang mag-aral muna ito.
By Judith Larino