Tagumpay ang defending champion San Miguel Beer na maitawid hanggang Game 7 ng PBA Philippine Cup Finals kontra Alaska.
Bagamat isang panalo na lamang ang kailangan ng Aces para masungkit ang kampeonato, bigo ang Alaska makaraang talunin ng Beermen sa iskor na 100-89.
Nanguna sa tagumpay ng San Miguel si Marcio Lassiter na kumopo ng 26 na puntos.
Muli namang naglaro para sa San Miguel si June Mar Fajardo na nakapag-ambag naman ng 16 na puntos.
Makasaysayan ang labang ito dahil sa wala pang koponan sa NBA ang umaabot sa Game 7 na mula sa unang tatlong sunod na pagkatalo.
Ang salpukan ng San Miguel at Alaska sa Game 7 ay gaganapin sa darating na Linggo.
By Ralph Obina
*Photo Credit: inquirer.net