Kumpiyansa si Golden State Warriors star point guard Stephen Curry na masusungkit nila ang back-to-back championship ngayong taon.
Ayon kay Curry, mataas ang morale ng team lalo’t nasubukan ang kanilang physical at mental health nang makarap sa do-or-die game sa Game 7 ng Western Conference finals ang Oklahoma City Thunders.
Kung maipapamalas muli anya nila ang kanilang ipinakitang husay sa conference finals at mananaig ang kagutuman sa championship ay malaki ang tsansa nila na masungkit ang kanilang ikalawang Larry O’brien trophy.
Gayunman, ibang gameplan ang kanilang gagamitin sa finals lalo’t uhaw din sa championship ang Cleveland Cavaliers kaya’t inaasahan na nila ang matinding opensa ng kalaban.
Samantala, nasa California na ang Cavaliers para sa Game 1 ng NBA Finals, na magsisimula sa homecourt ng Golden State sa Oracle Arena, bukas.
By Drew Nacino