Naka-imbak pa rin sa compound ng PNP Region 12 sa General Santos City ang backhoe na ginamit sa Maguindanao Massacre noong November 23, 2009.
Ginamit ang backhoe upang ilibing at upang tiyaking mawawala ang bakas ng pagpatay sa 58 katao sa Sitio Masalay sa bayan ng Ampatuan sa Maguindanao.
Gayunman, nasira ‘di umano ang backhoe kaya’t natuklasan rin ang napakalaking hukay na pinaglagyan sa labi ng 58 katao habang sakay pa ng kani-kanilang sasakyan.
Kasama rin sa naka-imbak sa compound ng Sanggoku, isang improvised armored vehicle na pag-aari ng pamilya Ampatuan.
Kabilang ang backhoe at ang Sanggoku sa mga ebidensyang ginamit sa paglilitis ng Maguindanao Massacre.