Inaasahang lolobo pa sa 10.9 – M ang backlog sa pabahay sa Pilipinas pagsapit ng 2028.
Ito ay kung walang magaganap na pagbabago upang mapabilis ang pagtatayo ng mga housing unit sa bansa.
Ayon kay Human Settlements And Urban Development Secretary Jose Rizalino Acuzar, 17 % lamang ng kinakailangang housing unit ang naitatayo kada taon.
Kapos pa ito ng 6.5- M at inaasahang sasampa pa sa 10.9 – M kung hindi masosolusyunan.
Sa ilalim ng administrasyong Marcos, target ng gobyerno na makapagtayo ng 1- M housing unit o 6-M pagsapit ng 2028.