Inamin ng Land Transportation Office (LTO) na aabutin pa ng mahigit isang taon bago matugunan ang 11M backlog sa plaka ng motorsiklo.
Ayon kay Edgar Galvante, Assistant Secretary ng LTO, 7M plaka pa lamang ang kanilang nagagawa at nakatengga pa rin ang 18M hanggang 19M plaka.
Para matugunan ang problema, iminumungkahi ni Galvante na magkaroon ng licensed third-party contractor na gagawa sa mga hindi matatapos na plaka.
Matatandaang sa ilalim ng Republic Act 11235, kailangang may plaka sa harap at likod ang mga motorsiklo.
Hindi naman apektado ang mga plaka para sa four-wheel vehicles.