Tiniyak ng bagong talagang Land Transportation Office Chief at Assistant Secretary Vigor Mendoza na wala siyang sasayanging oras upang mabigyan ng maayos na serbisyo ang publiko.
Ito ang inihayag ni Asec. Mendoza matapos manumpa bilang bagong LTO Chief sa harap ni Transportation Secretary Jaime Bautista.
Ayon kay Atty. Mendoza, ipa-prayoridad ng L.T.O. Ang pagbibigay solusyon sa backlog sa plaka ng mga sasakyan at kakulangan ng driver license.
Umaasa rin ang opisyal na sa lalong madaling panahon ay maaayos ang mga dapat ayusin sa ahensya.
Suportado naman ni mendoza si Secretary Bautista at tatalima sa anumang utos ng kalihim sa L.T.O.