Naresolba na ang problema sa reverse transcription polymerase chain reaction test (RT-PCR) ng Baguio City.
Ito ang inihayag ng pamunuan ng Baguio General Hospital and Medical Center (BGHMC).
Ayon kay Dr. Ricardo Nuñez, medical officer ng naturang pagamutan, naayos na nila ang problema sa isinasagawang coronavirus disease 2019 (COVID-19) testing ng probinsya na nagdulot ng mga backlogs.
Magugunitang inihayag ng Baguio City na nagkaroon sila ng mga backlogs ng higit 2,000.
Kasunod nito, ikinatuwa ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang pagsasaayos sa mga problema ng naturang testing at ang pag-angat ng bilang ng mga nakakarekober sa virus.
Sinabi pa nito na 24/7 nagsasagawa ng mga pagsusuri kontra COVID-19 ang mga medtech o medical technologist ng BGHMC.
Samantala, patuloy na umaasa si Baguio City Mayor Benjamin Magalong na maging epektibo ang nagpapatuloy na kampanya ng lungsod kontra sa nakamamatay na virus.