Ipagbabawal na ang backyard piggery sa mga barangay sa Quezon City simula sa Disyembre.
Napagpasyahan ito ng pamahalaang lokal ng Quezon City matapos kumalat na sa limang barangay ang African Swine Flu (ASF).
Sa ngayon, sinabi ni Dr. Ana Maria Cabel, chief veterinarian ng Quezon City na patuloy ang ‘culling’ o pagpatay nila sa mga baboy sa Barangay Tatalon, Roxas, Payatas, Pasong Tamo at Barangay Bagong Silangan.
Ayon kay Cabel, hindi na bababa sa 5,000 baboy pa ang nakatakda nilang isalang sa ‘culling’.