Dinagsa ng mga tao ang National Shrine of Our Mother of Perpetual Help o mas kilala bilang Baclaran church.
Kasunod ito ng pagbaba ng alert level system sa Metro Manila at iba pang lugar sa bansa.
Nabatid na itinaas na sa pitumpung porsyentong kapasidad ang mga simbahan at iba pang establisyimento sa ilalim ng alert level 2.
Dahil dito, malayang makakapag simba ang mga deboto at makakapamasyal ang iba pang mga indibidwal. —sa panulat ni Angelica Doctolero