Nakatakda nang buksan ang Baclaran night market sa bahagi ng Pasay at Parañaque sa araw ng Biyernes, Nobyembre 27.
Ito ang kauna-unahang night market na pinayagan nang buksan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) sa panahong nasa general community quarantine (GCQ) ang Metro Manila dahil sa COVID-19 pandemic.
Kahapon, nilinis na ng MMDA Joint Task Force katuwang ang Pasay City government ang bahagi ng Taft Avenue sa sakop ng Baclaran District.
Pagtitiyak naman ni Pasay City Mayor Emi Calixtro – Rubiano, mahigpit nilang paiiralin ang health at safety protocols sa COVID-19 partikular na ang physical distancing, temperature checks, hand sanitation at paglalagay ng entry at exit points.
Kasunod nito, papayagan ng Pasay LGU na magtinda sa service road ng Roxas Boulevard ang mga apektadong vendors simula ala singko ng hapon hanggang alas dose ng hatinggabi.