Muling binuksan sa publiko at mga parokyano ang Baclayon Church o Immaculate Conception Parish sa Bohol matapos ang halos limang taong renovation.
Kabilang ang naturang simbahan sa mga matinding napinsala bunsod ng magnitude 7.2 na lindol noong Oktubre 15 taong 2013.
Pinangunahan ang inagurasyon at turnover rites ng simbahan sa Diocese of Tagbilaran nina National Historical Commission of the Philippines Chairman, Dr. Rene Escalante at sinaksihan nina Cabinet Secretary Leoncio Evasco Jr. na isang dating pari.
Kabilang naman sa dumalo si Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Gabriele Giordano Caccia.
—-