Unti-unti nang bumabangon ang bayan ng Baco, Oriental Mindoro na kabilang sa mga lugar na lubhang sinalanta ng bagyong Nona.
Ayon kay Baco Mayor Rey Marco, kahapon ay dumating na ang mga kawani ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) dala ang mga equipment upang magsagawa ng clearing operation sa lugar.
Bagamat halos buong bayan ay nasira ng bagyo, pagmamalaki ni Mayor Marco ay wala naman nasaktan sa kanyang mga kababayan dahil sa kanilang istriktong pagpapatupad ng preemptive evacuation.
“Ang elementary school po ng Bayanan ay natabunan po yan at bubong na lang po ang nakalabas, gayundin po ang kanilang simbahan, at ang mahigit 100 kabahayan ay talagang na-wash out po yan, wala pong naiwan at ang pinakasentro ng barangay Bayanan ay makikita ninyong parang naging isang disyerto po, napakalawak po ng tumabon na bulangin.” Pahayag ni Marco.
By Rianne Briones | Ratsada Balita