Nananatiling ‘very high risk’ ang Visayas sa COVID-19 kahit bumababa na ang bilang ng kaso sa ilang lugar.
Ayon kay OCTA Research Group Fellow, Dr. Guido David, na-obserbahan ang downward trend sa Bacolod, Cebu, Iloilo, Lapu-Lapu, Mandaue, Ormoc at Tacloban cities.
Gayunman, nananatili sa “high risk” classification ang Lapu-Lapu, Ormoc at Tacloban cities hanggang nitong Pebrero a – uno habang “very high risk” ang mga lungsod ng Bacolod, Cebu, Iloilo at Mandaue.
Samantala, inihayag ni David na ang Metro Manila, Batangas, Cavite, Laguna, Quezon at Rizal ay nasa “moderate risk” pa rin bunsod ng bumababang kaso ng COVID-19.