Isinama na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang Bacolod City sa listahan ng mga na sailalim ng enhanced community quarantine (ECQ).
Ito ay matapos hilingin ng city government ng Bacolod sa IATF na mapalawig pa rin ang ECQ sa kanilang lungsod hanggang May 15.
Sinabi ni Bacolod City Vice Mayor El Cid Familiaran na sentro ng negosyo sa Negros Occidental ang Bacolod City kaya’t nangangamba silang biglang tumaas ang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sakaling general community quarantine (GCQ) lang ang pairalin sa kanila.
Nakapagtala na ng siyam na kumpirmadong kaso ng COVID-19 ang Bacolod City subalit mayruon pang 150 swab test results ang hinihintay.