Lalagda ng kasunduan si Bacolod City si Mayor Evelio Leonardia sa AstraZeneca Pharmaceuticals, upang makakuha ng bakuna kontra coronavirus ang lungsod.
Ayon kay Leonardia, ito ay malaking hakbang para makakuha kaagad ng COVID-19 vaccine kapag maaprubahan ito ng pamahalaan.
Hindi naman nabanggit ni Leonardia, kung ilang doses ng bakuna ang kukunin nila sa AstraZeneca.
Magugugnitang noong Diseyembre, bumuo si Leonardia ng LCP Committee on Vaccine Availment na pinamumunuan ni Iloilo City Mayor Jerry Treñas, para siguraduhin na maagang makakuha ang mga city mayor ng abot-kayang at murang COVID-19 vaccine. —sa panulat ni John Jude Alabado