Binalaan ng mga tauhan ng Bacoor Police Station ang mga Dental Clinic laban sa mga holdaper.
Ayon sa public Information Officer ng Bacoor police na si Police Lt. Janice De Guzman, target ngayon ng mga holdaper ang mga klinika sa iba’t-ibang lugar sa Metro Manila maging sa mga lalawigang sakop nito.
Nabatid na isang klinika sa lugar ang tinarget ng holdaper na kinilalang si John Michael Romero matapos makuhanan sa isang CCTV ang ginawang krimen.
Sa ngayon, mino-monitor na ng Bacoor police ang mga clinic sa lugar upang maiwasan ang iba’t-ibang insidente.— sa panulat ni Angelica Doctolero