Tiniyak ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa mga Senador na posible nang magbalik sa normal ang sitwasyon sa Marawi City sa araw ng Biyernes, Hunyo 2.
Ito’y ayon kay Senador Francis Pangilinan makaraan ang isinagawang closed door executive session ng mga Senador kasama ang mga security officials kahapon na tumagal ng apat na oras.
Sa nasabing pulong inilatag nila Lorenzana na siyang Martial Law Administrator, National Security Adviser Hermogenes Esperon at AFP Chief of Staff General Eduardo Año ang kasalukuyang sitwasyon ng operasyon laban sa Maute Terrorist Group.
Bagama’t tiniyak ng AFP sa mga Senador na kontrolado nila ang sitwasyon, iginiit nila na mayruon pa ring pangangailangan na ipagpatuloy ang pag-iral ng Martial Law sa buong Mindanao.
By: Jaymark Dagala