Pasado pa rin para sa ilang political analyst ang ikalawang SONA o State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Prof. Richard Heydarian, tulad ng nauna niyang SONA, tinututukan ng Pangulo at paulit-ulit ang kaniyang panawagan na sugpuin ang iligal na droga sa bansa na siyang ugat aniya ng lahat ng kasamaan.
Ipinunto rin ni Heydarian ang retorika ng Pangulo na aniya’y makikita lamang sa mga rebolusyunaryo gayundin ang hindi nito pagdepende sa inihanda niyang talumpati.
Nakukulangan naman si UP College of Law Professor Atty. Rowena Daroy – Morales dahil tila nakalimutan ng Pangulo na bigyang diin o linaw ang ilang usapin tulad ng EJK o Extra-Judicial Killings, sigalot sa West Philippine Sea maging ang isyu ng Bangsamoro.
Ayon kay Morales, tila tumutok lamang ang Pangulo sa batikos sa kaniya ng mga kritiko sa halip na ilahad ang tunay na larawan ng usapin.
By Jaymark Dagala
SONA ng Pangulo pasado para sa ilang political analyst was last modified: July 25th, 2017 by DWIZ 882