Iniimbestigahan ngayon ang isang bagitong pulis dahil sa umano’y panghahalay sa isang babaeng hinuli nito dulot ng paglabag sa quarantine protocols sa Mariveles, Bataan.
Kinilala ni Police Regional Office 3 Director Brig. General Valeriano De Leon ang suspek na si Patrolman Elmer Tuazon Jr.
Hinuli ni Tuazon ang 19 taong gulang na dalaga at dinala ito sa isang boarding house para isabak sa community service pero doon ay ginahasa umano ito.
Mahaharap sa kasong rape si Tuazon habang Acts of lasciviousness naman ang isasampa laban sa Marshal Team Leader na si Armando Dimaculangan dahil umano’y pangmomolestiya naman sa biktima.