Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 2,726 na bagong kaso ng COVID-19 sa buong bansa, mula Marso 21 hanggang Marso 27, 2022.
Ibig-sabihin, sa nakalipas na linggo ay nasa 389 o mas mababa na sa 400 ang average na bilang ng bagong COVID infection kada araw.
Ayon sa DOH, mas mababa ang tala ng 24% kung ikukumpara sa mga kaso noong Marso 14 hanggang Marso 20.
Wala namang naitalang nasa kritikal.
Sa ngayon, nasa 752 na ang kabuuang bilang ng mga binawian ng buhay sa nakalipas na linggo.