Tatlong South Africans na dumating sa Pilipinas ang naka-quarantine na sa Negros Occidental.
Kinumpirma ni Provincial Administrator Rayfrando Diaz na ang tatlong dayuhan ay dumating noong November 26 o bago magpatupad ang Pilipinas ng travel ban sa South Africa kontra COVID-19 Omicron variant.
Ayon kay Diaz, sa kasalukuyan ay nasa lungsod na ng la carlota at mga bayan ng Manapla at Calatrava ang tatlo.
Nakatanggap anya sila ng reklamo sa isang kumpanya na nag-hire sa tatlong dayuhan, makaraang tumanggi ang isang hotel na i-admit ang mga ito para sa quarantine alinsunod sa utos ng City Health Office ng Bacolod.
Fully vaccinated ang tatlo at negatibo sa swab test ng Bureau of Quarantine pero aminado si Diaz na nais nilang makatiyak kaya’t magkakaroon ng re-swabbing ngayong araw.
Samantala, napag-alaman ng provincial government na nagmula ang S-PASS ng tatlong dayuhan sa Makati City. —sa panulat ni Drew Nacino