Hindi magsusuot ng nakagawiang Filipiniana si Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa kaniyang pagdalo sa unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Lunes.
Ipinabatid ni Atty. Reynold Munsayac, tagapagsalita ng pangalawang pangulo, sa halip ay ang tradisyunal na damit na gawa ng Tribong Bagobo Tagabawa ng Davao City.
Dagdag ni Munsayac, hindi na kasi aniya aabutin ng SONA kung magpapagawa pa si VP Sara ng nasabing kasuotan lalo’t aabutin aniya ng buwan bago ito matapos.
Kaya naman minabuti ni VP sara na manghiram na lang ng katutubong kasuotan sa Deputy Mayor ng Tribung Tagbawa na si Bae Sheirelle Anino.
Ang nabanggit na hakbang ay ginawa ni VP sara bilang pagbibigay pugay nito sa naturang tribu na itinuturing na pangkat etniko ng kaniyang sinilangang bayan.