Umusok at umapoy ang isang bagon ng MRT – 3 kaninang umaga sa pagitan ng Cubao at Kamuning station.
Dahil dito, napilitang bumaba at maglakad sa riles ang mga apektadong pasahero mula Nepa Q – Mart hanggang GMA – Kamuning Station.
Ayon kay Sarah Caabay, isa sa mga naapektuhang pasahero, binuksan nila ang pinto ng tren nang magkumpulan na sa isang bahagi ng bagon ang mga sakay nito.
Hindi naman aniya nagkagulo ang mga pasahero sa paglikas sa tren.
TINGNAN: Mga pasahero ng MRT-3 napilitang maglakad sa riles mula Nepa-Q Mart to Kamuning Stn matapos umusok ang isang bagon : Sarah Caabay pic.twitter.com/7pRZdJMa6h
— Jonathan Andal (@JonathanAndal_) November 5, 2017
Ayon kay Department of Transportation o DOTr Undersecretary Cesar Chavez, nasunog ang mga kable sa electrical box ng bagon dahil sa misaligned arc chute.
Halos isang oras itinigil ang operasyon ng MRT mula North Avenue hanggang Shaw Boulevard Station dahil sa nangyaring aberya.
Bago naman magtanghali kanina, balik normal na ang operasyon ng MRT.