Nagtalaga na ng bagong acting prosecutor-general ang National Prosecution Service ng Department of Justice kapalit ni Jorge Catalan Junior.
Sa isang pahinang Department Order 384 ni Justice Secretary Menardo Guevarra, itinalaga nito sa pwesto bilang officer-in-charge o acting prosecutor-general si Senior Deputy State Prosecutor Richard Anthony Fadullon.
Epektibo ang appointment ni Fadullon simula ngayong araw, Hunyo 30 hanggang sa makapagtalaga na ang Pangulo ng bagong Prosecutor-General.
Una ng lumiham si Catalan kay Guevarra na humiling para ma-relieved siya sa pwesto at tumutok na lamang bilang Chief Prosecutor ng Makati City.
Magugunitang itinalaga bilang acting Prosecutor-General si Catalan noong June 2017 sa ilalim ni dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre matapos magbitiw si dating Prosecutor-General Claro Arellano na itinalaga bilang Undersecretary ng Department of Labor and Employment.