Itinalaga na ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang bagong Acting Secretary ng Department of Agrarian Reform o DAR si Interior and Local Government Undersecretary John Castriciones.
Si Castriciones ang kapalit ni dating DAR Secretary Rafael Mariano na hindi nakalusot sa makapangyarihang Commission on Appointments (CA) dahil sa kanya umanong kaugnayan sa Communist Party of the Philippines (CPP).
Alinsunod sa appointment papers, Disyembre 1 nagsimulang manungkulan si Castriciones.
Kabilang si Castriciones sa tatlong Undersecretaries na nasa likod umano ng pagpapatalsik kay dating Interior Secretary Mike Sueño.