Hihingi ang bagong administrasyon ng hanggang sa P3.5 trilyong pisong pambansang budget para sa susunod na taon.
Sinabi ni incoming Budget Secretary Benjamin Diokno na sinisimulan na niyang balangkasin ang hihinging budget sa Kongreso para maisumite agad ito pagkatapos ng unang State of the Nation Address (SONA) ni President-elect Rodrigo Duterte.
Ani Diokno, kailangan nila ang nabanggit na budget para mailarga agad ang mga programang nais ipatupad ni Duterte.
Tiniyak din ni Diokno na walang mangyayaring underspending sa budget.
Malaking bahagi aniya nito ay gagamitin sa mga imprastruktura gaya ng pagpapaganda sa mga paliparan, pantalan, mga kalsada at dagdag na linya ng mga tren para makasabay ang Pilipinas sa mga kalapit bansa sa Asya.
By Aileen Taliping (Patrol 23)