Itinuturing na malaking hamon ni bagong AFP Chief of Staff Lt. Gen. Cirilito Sobejana ang kanyang bagong tungkulin.
Sinabi sa DWIZ ni Sobejana na naglatag na sila kaagad ng mga plano para sa kampanya kontra terorismo at insurgency na itutuloy lamang niya sa kanyang pormal na pag-upo kahapon.
Nagkaroon kami ng first command conference under my assumption, I highlighted in the conference yung mga command guidance ko, there is no big deviation sa guidance ng mga predeccessors ko dahil sinabi ko sa kanila na itong kampanya had started a long time ago, ang sa akin lang ay I want a continuity of that campaign, ika nga we have to put a rapid conclusion yung problema natin sa seguridad kaya sabi ko, we have to come up with the catch up plans so, meron na kaming nakalatag na plano, sad to say I could not share those plans because it is operationally major and I don’t want to make unnecessary compromise with the plan,” ani Sobejana.