Nakatanggap ng courtesy call ang bagong Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff, Lieutenant General Bartolome Vicente Bacarro mula kay US Air Force chief of staff, General Charles Brown, Jr.
Mainit na sinalubong ni Bacarro si Brown, sa isinagawang courtesy call nito sa AFP general headquarters sa Kampo Aguinaldo, Quezon City.
Sa naturang courtesy call, kanilang pinag-usapan ang pagpapalakas at pagtutulungan ng dalawang bansa para sa pagpapaigting ng mga hukbong panghimpapawid ng Pilipinas at Amerika sa ilalim ng bagong liderato ng AFP.
Ayon kay Bacarro, mahalaga ang pakikipag-uganyan ng dalawang bansa kasabay ng nagpapatuloy na modernisasyon sa AFP lalo na sa Air Force, upang protektahan ang soberenya ng bansa.