Nagtalaga na ang Pangulong Noynoy Aquino ng bagong hepe ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Inanunsyo ng Pangulo ang appointment kay Philippine Army Commanding General Hernando Iriberri bilang bagong AFP Chief of Staff kapalit ni General Gregorio Pio Catapang na magre-retiro na bukas, July 11.
Si Iriberri na ikalawa pa lamang sa mga naging hepe ng Sandatahang Lakas na nagmula sa Mindanao partikular sa Surigao del Sur ay miyembro ng 1983 PMA Class.
Nakatakdang mag-retiro si Iriberri sa April 22, 2016.
Bukod kay Iriberri, pinagpilian ding maging kapalit ni Catapang si Air Force Chief Lt. Gen. Jeffrey Delgado at Southern Command Chief Lt. Gen Ricardo Visaya.
By Judith Larino | Jonathan Andal