Pormal nang umupo sa pwesto ang bagong Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na si Lt. Gen. Noel Clement.
Si Clement ang humalili kay General Benjamin Madrigal na nagretiro na matapos ang 38 taon sa serbisyo.
Sa kaniyang talumpati, sinabi ni Clement na kaniyang target na solusyunan ang insurgency sa bansa.
Tiniyak rin ng bagong AFP Chief of Staff na nakatuon ang kanilang operasyon laban sa mga banta sa kapayapaan sa bansa.
Kasabay nito, siniguro rin ni Clement na sa ilalim ng kaniyang pamumuno ay iiral ang paggalang sa karapatang pantao at mananatiling non-partisan ang militar.
Nabatid na nakatakda na rin magretiro sa Clement sa January 2020 sa edad na 66.