Ipinagbunyi ng buong Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pag-upo ni Lt/Gen. Felimon Santos bilang kanilang ika-53 Chief of Staff.
Ayon kay AFP Spokesman, Marine B/Gen. Edgard Arevalo, kilala si Santos bilang isang propesyunal, mababang loob at pinakamabait na opisyal na naglingkod sa loob ng 37 taon bilang kawal ng bayan.
Kumpiyansa ang buong hanay ng AFP na maipagpapatuloy ni Santos ang mga reporma at programang isinulong ng kaniyang mga sinundan lalo na ang paglaban sa terrorismo.
Bago mahirang na AFP Chief of Staff, nagsilbi muna si Santos bilang pinuno ng Eastern Mindanao Command at 7th infantry division ng Philippine Army na siyang mga unit ng AFP na humaharap sa mga hamon ng terorismo at insurgency.