Kumpiyansa si Defense Sec. Delfin Lorenzana na lalo pang magiging epektibo ang gagawing pagpapatrulya ng Philippine Navy sa mga karagatan ng bansa.
Ito’y makaraang personal na tanggapin ni Lorenzana ang may 4 na bagong Cessna Skyhawk airplanes nayong araw na bahagi ng United States Foreign Military Financing Program.
Panauhing pandangal si Lorenzana sa blessing at activation ceremony sa Sangley Point sa Cavite kasama si AFP Chief of Staff Gen. Andres Centino at Navy Flag Officer in Command VAdm Adeluis Bordado.
Sa panig naman ng Pamahalaan ng Estados Unidos, dumalo si US Chargé d’affaires Heather Variava upang saksihan ang naturang seremoniya.
Ayon kay Lorenzana, ang mga bagong biling eroplano na nagkakahalaga ng 2.2 million dollars ay gagamitin ng Naval Air Wing para paigtingin ang kanilang pagpapatrulya sa territorial waters ng bansa mula sa anumang banta. —sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)