Ikinaalarma ng grupong Bagong Alyansang Makabayan o BAYAN ang lumalalang usapin ng tanim bala sa Ninoy Aquino International Airport.
Ayon kay Renato Reyes, Secretary General ng BAYAN, tila mas ninanais pa ng administrasyon na paliitin ang problema kaysa sa resolbahin ito.
Nangangamba siyang tuluyang masira ang tiwala ng mga turista na bumibisita sa bansa dahil sa takot at pangambang dulot ng nasabing usapin.
“Nakakaawa talaga yung mga kababayan natin, maging mga turista, sa halip na maging panatag ang pakiramdam ay binabagabag. Hindi magandang pakiramdam na hindi ka safe sa aiport natin,” paliwanag ni Reyes.
By: Jaymark Dagala