Bukas na tinanggap ng Malacañang ang bagong ambassador ng Holy see at ng Japan sa pamamagitan ng teleconferencing ngayong araw ng Lunes.
Tinanggap ng Pangulong Duterte ang mga credentials nila Reverend Charles John Brown, Apostolic Nuncio-Designate ng Vatican at umaasang magiging kaisa ito ng bansa ang sa proteksyon ng mga migrante at sa usapin ng a climate change.
Samantala nangako naman si Japan ambassador to the Philippines Koshikawa Kazuhiko na tutulong ito sa pagpabuo ng istratrehiya sa imprastraktura, agrikultura, kalusugan, kapayapaan at seguridad ng dalawang bansa.
Aniya susuportahan rin nito ang pagpapaunlad sa bilateral trade and investment, pinasalamatan naman ng punong ehekutibo ang Japan sa tulong nito sa bansa sa pagsugpo sa COVID-19 at sa pagsuporta sa Build, Build, Build program.
Nagpahayag naman ang palasyo ng suporta kay Pope Francis kaugnay sa deklarasyon nito ng global climate emergency at ang prinsipyo nito ukol sa pagkakapantay-pantay at katarungan.—sa panulat ni Agustina Nolasco