Itinalaga ni Pangulong Benigno Aquino III si Presidential Protocol Chief Celia Anna Feria bilang bagong ambassador sa Spain.
Sa transmittal letter ni Executive Secretary Paquito Ochoa Jr. kay Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario, inihayag nito ang appointment ni Feria bilang Ambassador Extraordinary and Plenipotentiary to the Kingdom of Spain pati na rin sa Andorra.
Pirmado ng Pangulo ang appointment ni Feria noong Disyembre 29 kapalit ni Ambassador Carlos Salinas.
Si Feria ay naging Chief of Presidential Protocol sa ilalim ng Office of the President noong January 2013.
By Meann Tanbio | Aileen Taliping (Patrol 23)