Dapat maipatupad nang maayos ang bagong amyendang Public Service Act na naglalayong magbigay ng 100% Foreign ownership sa Public services.
Ito ang sinabi ni Pamantasan ng Lungsod ng Maynila President at Economist na si Professor Emmanuel Leyco kaugnay sa epekto nito sa ekonomiya ng bansa.
Bagama’t makapagbibigay aniya ito ng maraming trabaho sa mga Pilipino ay posibleng maging problema ang patas na kompetsiyon sa pagitan ng local at foreign investors.
Paliwanag ni Leyco na ito’y dahil binibili agad ng mga lokal na kumpanya ang mga umuubsong na foreign competitors na nagiging rason kung bakit nabubuwal ang patas na kumpetisyon partikular na sa Internet service providers.
Matatandaang sinabi ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez na aabot sa 60 hanggang $100-B na halaga ng investments ang malilikom ng gobyerno sa susunod na dalawang taon dahil sa paglagda sa naturang Service Act. —sa panulat ni Airiam Sancho