Nakatakdang ianunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panibagong klasipikasyon ng community quarantine na ipatutupad sa bansa bunsod pa rin ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, asahan na ang anunsiyo ng Pangulo bago o mismong sa Lunes, Hunyo 29.
Sa kasalukuyan, tanging ang Cebu City na lamang ang lugar sa bansa ang muling isinailalim sa enhanced community quarantine dahil sa mabilis na pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19 doon.
Habang nasa ilalim naman ng general community quarantine (GCQ) ang ilang bahagi ng bansa kabilang ang Metro Manila at ang nalalabi pa ay nasa modified GCQ hanggang 30 ng hunyo.