Inihayag ng Department of Health na kailangan pang i-review ng mga eksperto ang COVID-19 treatment drug na Ronapreve bago ito gawing available sa publiko.
Ang pahayag ay ginawa ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire kahit binigyan na ng emergency use authorization o EUA ng Food and Drug Administration ang Ronapreve noong Oktubre 1.
Nilinaw din ni Vergeire na sa kabila ng EUA, magagamit lamang ito ng mga ospital kung aprubado na ng DOH at ng mga medical experts.
Maliban dito, iginiit din ng DOH na maaari lamang gamitin ang Ronapreve sa mga kumpirmadong COVID-19 patients na labindalawang taong gulang pataas na nakakaranas ng banayad hanggang katamtamang mga sintomas.