Itinalaga ni Pangulong Duterte bilang Associate Justice ng Court of Appeals si Panabo City, Davao del Norte Regional Trial Court Branch 4 Judge Dorothy Montejo-Gonzaga.
Si Gonzaga ang humalili sa puwestong binakante ni Justice Romeo Barza na tubong-Lupon, Davao Oriental.
Binakante ni Barza ang kanyang posisyon makaraang italaga ni Pangulong Duterte sa C.A. bilang presiding justice.
Magugunitang si Judge Gonzaga ang naglabas ng Warrant of Arrest para sa kasong kidnaping laban kay Egdar Matobato na umaming isa sa mga hitman ng Davao Death Squad noon.