Aabot na sa 300 pasahero ang kayang i-accommodate ng Virac airport sa Catanduanes.
Kasunod ito ng pagpapasinaya kaninang umaga ng Department of Transportation at Civil Aviation Authority of the Philippines sa bagong ayos na passenger terminal building ng nasabing paliparan.
Pinalaki din ang ground floor at second floor ng pre-departure area at inayos ang arrival area sa ground floor.
Sinimulan ang konstruksyon para sa rehabilitasyon ng terminal noong January 2016 na ginastusan ng halos 40 milyong piso.
Ang Virac airport ang natatanging paliparan sa Catanduanes at nagsimula itong mag-operate para sa unang commercial flight noon pang 1947.