Nakabiyahe na patungong Pilipinas ang anim na bagong bagon ng Philippine National Railways (PNR).
Ipinabatid ito ng Department of Transportation (DOTr) na nagsabi ring ang mga naturang bagong bagon ay bahagi ng kabuuang 37 railcars at tatlong locomotives na binili ng PNR mula sa Indonesia.
Isinakay ang anim na railcars sa MV Zea Challenger at inaasahang darating sa bansa sa December 9.
Ang mga naturang bagon na bubuo sa dalawang train set na Diesel Multiple Unit (DMU) ay itatalaga sa rutang Tutuban-FTI at Malabon-FTI.
Kapag naisalang na sa linya ng tren, inaasahang nasa 18 hanggang 20 ang biyahe nito kada araw.