Nakalabas na ng PAR o Philippine Area of Responsibility ang bagyong Karen kaninang alas-12:00 ng hatinggabi.
Gayunman, patuloy pa ring binabantayan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang isa pang bagyo na may international name na Haima.
Ayon kay PAGASA Weather Forecaster Gladys Saludes, inaasahang papasok sa par ang nasabing bagyo mamayang hapon at papangalanan itong ‘Lawin’.
Samantala, patuloy pa ring makakaranas ng mahina hanggang sa katamtamang mga pag-ulan ang Ilocos region, Cordillera, Cagayan Valley at maging ang mga lalawigan ng Zambales at Bataan.
Sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa ay mas magandang panahon na ang inaasahang iiral ngayong araw at pulo-pulong pag-ulan o pagkidlat-pagkulog na lang ang mararanasan.
By Jelbert Perdez