Napanatili ng bagyong papalapit sa Pilipinas ang lakas nito habang papasok sa PAR o Philippine Area of Responsibility.
Ayon sa PAGASA o Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Adminstration, inaasahang ngayong hapon ay papasok na sa PAR ang nasabing sama ng panahon at papangalanan itong Dante na maaaring umakyat sa tropical storm category.
Ang sentro ng nasabing sama ng panahon ay pinakahuling namataan sa layong mahigit 1,000 kilometro sa Silangan ng Visayas.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging umaabot sa 55 kilometro kada oras at may pagbugso na umaabot sa 65 kilometro kada oras.
Ang nasabing bagyo ay kumikilos ng pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 11 kilometro kada oras.
By Judith Larino