Sinusubukan na sa Britanya ang isang bagong bakuna na makatutulong sa paglaban sa sakit na kanser.
Ayon sa King’s College London, kaya umanong sugpuin ng vaccine kahit ang mga advanced o malala nang kanser.
Ang vaper trial ay nagaganap na sa iba’t ibang unibersidad at Research Institutes sa London.
Sinasabing ang unang dalawang pasyente ay naturukan na ng vaccine at magtatagal ng mula 18 hanggang 24 na buwan.
Layon nitong malaman ang mga benepisyo mula sa vaccination program, side effects, at gayundin ang epekto nito sa buhay ng mga pasyente.
By Jelbert Perdez