MALAPIT nang umarangkada ang clinical trials ng mga bakuna laban sa mga bagong variants ng COVID-19.
Ginawa ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang pahayag matapos aniyang aprubahan ng Inter-Agency Task Force o IATF ang rekomendasyon para sa trials kung saan idadaan muna ito sa Food and Drug Administration o FDA.
Ayon kay Roque, tututukan sa pag-aaral ang iba’t ibang age groups at mga taong may comorbidities.
Maliban dito, sinabi ni Roque na inaprubahan din ng IATF ang hirit na iprayoridad sa Phase 3 clinical trials ang mga volunteers na nasa pediatric age groups o 6 na buwan hanggang 12 taong gulang, buntis, matatanda na edad 60 pataas, at mga taong may mga karamdaman.