Nanindigan ang Malakanyang na hindi na kailangang bumalangkas ng bagong batas para malabanan ang pagkalat ng ‘fake news’.
Iginiit ni Communication Assistant Secretary Ana Marie Banaag na sapat na ang kasong Libel at paglabag sa Cybercrime Act.
Gayunman, sinabi ni Banaag na nasa opsyon pa rin ng Lehislatura ang pagpasa ng batas ngunit dapat munang magkaroon ng malinaw na depinisyon ng ‘fake news’.
Sa panig aniya ng kanilang tanggapan na Presidential Communications Operations Office o PCOO, sinabi ni Banaag na kanilang irerekomenda na magkaroon ng kooperasyon ang lahat ng nasa gobyerno lalo na Department of Education (DepEd) at Commission on Higher Education (CHED) kasama ang mga nasa private sector para mas paigtingin ang kampanya sa responsableng pamamahagi ng impormasyon.