Pinamamadali na sa Kongreso ang pagpapatibay sa bagong batas na ipatutupad sa Immigration ngayong 2018.
Ayon kay Ako Bicol Parylist Representative Rodel Batocabe, ngayong inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbuo ng trust fund sa Immigration ay dapat na baguhin din ang Immigration Law.
Paliwanag ni Batocabe napakaluma na ng umiiral na Immigration Law na ipinasa noon pang 1940 kung saan hindi pa gaanong talamak ang problema sa transnational crimes tulad ng human trafficking at terorismo.
Giit pa ni Batocabe dapat nang sumabay ang Immigration sa panahon dahil advance na ngayon ang teknolohiya at mas maging mahigpit at magkaroon ng mga kagamitang makakatulong para madlangan ang iba’t ibang klase ng banta.